Ang Pilipinas ang nagsimula ng agawan ng teritoryo sa South China Sea, ayon sa kinatawan ng Tsina sa United Nations.

Sinabi ni Deputy Permanent Representative Wang Min sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na Pilipinas ang nangunang manakop sa kanilang mga isla sa Spratly Islands.

"[W]e must point out that the root cause of the disputes between China and the Philippines in the South China Sea is the Philippines' illegal occupation of some islands and reefs of China's Nansha islands (Spratlys)," pahayag ni Wang.

Aniya, idinaraan ng Pilipinas ang kaso sa pagkuha ng simpatya ng ibang bansa.

"The Philippines attempts to legalize its infringements and provocations by dragging China into arbitral proceedings. The Philippines is also trying to win international sympathy and support through deception. This is what the problem is in essence."

Naghain na ng arbitration case ang Pilipinas, ngunit iginiit ng Tsina na hindi nila ito tatanggapin.

"This is fully based on the provisions of the international law. And China's position will not change," wika ni Wang.

Sinabi rin ng kinatawan na wala silang ginagawang mali sa pagtatayo ng mga impastraktura sa pinag-aagawang teritoryo.

"China's construction on the related islands and reefs and measures to preserve biological resources, including a moratorium on fishing, in the waters under China's jurisdiction fall well within China's sovereignty."

arrow
arrow
    創作者介紹
    創作者 EMBA的小眼睛 的頭像
    EMBA的小眼睛

    EMBA的小眼睛

    EMBA的小眼睛 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()